Kinuwestiyon ngayon ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagsuko ng umano’y nasa likod ng Bikoy video sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) imbes na sa National Bureau of Investigation (NBI).

Pero ayon kay Guevarra, kung may hawak nang ebidesiya si Peter Joemel Advincula ay dapat maghain na ito ng pormal na reklamo sa NBI.

Maalalang si Advincula ay lumantad kanina sa IBP para humingi ng legal advice para sa kanyang sinumpaang salaysay.

Nanindigan itong sangkot ang pamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga.

Wala pa namang reaksiyon ang NBI kaugnay sa naturang issue.