IMG 20190520 124814

Sinisilip na ng Commission on Elections (Comelec) ang dahilan kung bakit naantala ang transmission ng election result mula sa Washington D.C. sa Estados Unidos.

Ang pagkaantala kasi ng certificate of canvass (CoCs) mula sa US ang dahilan kung bakit naudlot ang proklamasyon sana ngayong gabi ng 12 nanalong senador.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dakong alas-8:00 pa ng gabi ang dating ng CoC mula sa Washington D.C.

Nasa 228,472 CoCs mula sa US ang nakatakdang bilangin ng board at ipapadala ito electronically.