-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ni Senator Christopher Bong Go ang magandang kinlabasan ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga, krimen at korapsyon sa bansa.

Kasunod ito ng pagkakasama ng Pilipinas sa listahan ng Top 50 nations with good peace and order.

Batay sa inilabas na 2020 Global Law and Order report ng Washington-based analytics at advisory firm Gallup, nakakuha ng 84/100 score ang Pilipinas mula sa 50 bansa na mayroong good perace and order. Kapareho lang ito ng nakuhang score ng Australia, New Zealand, Poland at Serbia.

Ayon kay Go, isa lamang daw itong patunay sa patuloy na kampanya ng pamahalaan. Hangan din aniya ng Pangulo na maging maayos at matiwasay ang bansa para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Ibinase ng naturang analytics firm ang kanilang report sa pulso ng mamamayan ng bawat bansa ukol sa kanilang sariling seguridad at karanasan sa krimen at mga otoridad.

Ayon pa sa report, karamihan sa mga sumali sa survey ay nagbigay ng mga positibong tugon sa mga law enforcement agencies ng Pilipinas.

Ikinatutuwa rin daw ng mga respondents ang pagsunod ng mga otoridad sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Para naman sa Senador, nagpapakita lamang ito ng kumpyansa ng mga Pilipino sa administrasyong Duterte. Habang papalipat na ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, biniyang-diin din ng senador na ipagpapatuloy pa rin ng Pangulo ang kaniyang pangako na bigyan ng komportableng buhay ang sambayanan.

Sa kabila nito ay muli namang nagpaalala ang senador na hindi dapat maging kumpyansa ang gobyerno sa kabila ng nakuha nitong mataas na ratings. Hinimok din nito ang pamahalaan na ituloy ang kampanya laban sa korapsyon, iligal na droga at krimen.

Dagdag pa ni Go na mas naramdaman ngayon ng taumbayan na ligtas ang kanilang komunidad dahil nasusunod ang mga batas at napoprotektahan ang kapakanan ng mahihirap.

Tiniyak naman ng mambabatas na katuwang si Pangulong Duterte ay poprotektahan nito ang police forces ng bansa.