Reading Time: 1 minute
Pol ColAllan Docyogen
Col. Allan Docyogen

BAGUIO CITY – Arestado ang isang police lt col. isang entrapment operation matapos ang umanoy pangingikil nito sa isang umano’y kriminal sa Baguio City.

Nakilala ang naarestong pulis na si Police Lt. Col. Allan Docyogen, chief ng intelligence unit ng Baguio City Police Office (BCPO).

Bago nito ay nakatanggap ang BCPO ng reklamo dahil sa umanoy pangingikil ni Docyogen sa isang lalaking naaresto sa kasong pagnanakaw.

Batay sa report ng BCPO, nangikil si Docyogen ng P200,000 sa naturang lalaki.

Ayon pa sa BCPO, kailangang magbayad ng lalaki kay Docyogen para hindi ito muling arestuhin.

Napag-alaman na pinagbantaan pa umano ni Docyogen ang lalaki na papatayin niya ito.

Batay sa report, una nang nagbigay ang lalaki ng P47,000 kay Docyogen noong April 12 at nitong 2 p.m. ng Lunes ng kukunin sana ni Docyogen ang karagdagang P50,000 sa nasabing lalaki ay agad na itong inaresto Abanao Street Baguio CIty