-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Philippine Army ang paghahanap kay National Democratic Front of the Philippines peace consultant at spokesperson na si Concha Araneta matapos na nahatulang guilty beyond reasonable doubt sa kasong murder at na-sentensiyahan ng reclusion perpetua.

Ang nasabing hatol ay may kaugnayan sa pagpatay kay Metudio Inisa sa Sitio Agbanuod sa Madalag, Aklan noong 1975.

Sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court na pirmado ni Presiding Judge Marivic C. Titor at inilabas kamakalawa lang, inuutusan din si Araneta na magbayad ng PHP100,000 bilang civil indemnity, PHP100,000 bilang moral damages, at PHP100,000 bilang exemplary damages.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Capt Kim Apitong, spokesperson ng 3ID ng Philippine Army, sinabi nito na nakaalerto na ang lahat ng units upang mapabilis ang pagtunton sa convicted NPA leader.

Nanawagan din ito sa publiko na makipag-ugnayan kaagad sa otoridad kun may nalalaman sa kinakoroonan ni Araneta.

Napag-alaman na ilang beses nang naaresto si Araneta ngunit nakapagpiyansa.

Noong 2016,nagin bahagi ito ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF at nanumpa na kapag hindi naging matagumpay ang peace talks, babalik ito sa kustodiya ng korte ngunit hindi ito tumupad.