-- Advertisements --

Iniulat ng state weather bureau na nakapagtala ang Oriental Mindoro ng mas mataas na heat index.

Dahil dito, nakararanas ang naturang lugar ng mainit at maalinsangang panahon.

Sa heat index nga na inilabas ng ahensya, pumalo kahapon sa 42°C ang heat index o alinsangan sa katawan na naramdaman sa Calapan ng nasabing lalawigan.

Ito rin ay pasok sa danger category.

Ibig sabihin, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion sa mga taon na matagal na magbababad sa sikat ng araw.

Samantala, umabot na rin sa sa 41°C ang heat index sa Cotabato City sa Maguindanao.

Umabot rin sa 41°C ang heat index sa Cotabato City sa Maguindanao.

Kung maaalala,nagpaalala ang DOH sa publiko na maaaring magkalat ang ibat -ibang sakit dahil sa tag-init at sa pinaka peak ng El Niño phenomenon mula Pebrero hanggang Abril. ngayong taon.