Pumalo na sa 29 na katao ang namatay dahil sa malakas na ulan na naging sanhi ng pagguho ng lupa at mataas na pagbaha sa Bengkulu, Indonesia.

Libo-libong pamilya naman ang nawalan ng tirahan at may ilan pa na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad.

Nangangailangan naman ang mga pamilyang na-rescue ng tent, bangka, pagkain at tubig. Nagbabala naman ang mga otoridad sa maaaring makuhang sakit dahil sa kakulangan ng malinis na tubig sa bansa.