OFW 2Go ship Quarantine stranded PCG COVID
‘Mercy ship’ for stranded OFWs (photo of 2Go ship from PCG)

Naglabas ng master list ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga pangalanan na naglalaman ng kabuuang 36,832 na mga overseas Filipino workers (OFW) na nagnegatibo sa RT-PCR test.

Ang naturang bilang ay mula sa naunang batches o installment ng mga pangalan ng mga OFWs na sumailalim sa COVID test sa ilalim nang pamamahala ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.

Ang hakbang ng PCG ay makaraang iutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na tapusin na ngayong linggo ang paghahatid sa mga probinsya ng 24,000 mahigit na overseas workers na nagnegatibo naman sa swab tests.

Nangangamba kasi ang gobyerno na lalong mapupuno ang mga quarantine centers kung darating pa sa bansa ang mahigit sa 42,000 na mga apektadong OFW mula sa ibang bansa dahil sa coronavirus pandemic.

Batay sa abiso ng PCG merong link sa kanilang Facebook account para makita ang quarantine certificates. (Master list: https://drive.google.com/file/d/1onoO1asNHc5J-01jpdTVR3s-D3KBtwMM/view)

“Said master list consolidates the names of overseas Filipinos who were declared negative for COVID-19 based on the lists / batches of results that the PCG made available online on 24 – 27 May 2020,” bahagi pa ng advisory ng PCG. “If you see your name on the master list, coordinate with PCG or OWWA personnel at the quarantine facility to process your repatriation to your respective home province / city. Quarantine clearances shall be issued to overseas Filipinos at the PITX or NAIA.”

Ang Bureau of Quarantine ay nagpaalala naman sa mga OFWs na tawagan lamang ang kanilang hotline para sa mga katanungan sa pamamagitan ng mga numero na ito:

Globe: 0971-842-4980
Smart: 0998-589-3982

Samantala iniulat din ng PCG na sa nakalipas na dalawang araw, umabot na sa 7,217 na overseas Filipinos ang naserbisyuhan ng programang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” sa loob ng dalawang araw.

Sa naturang bilang 5,540 ang isinakay sa eroplano para makauwi sa Visayas at Mindanao.