leonard raptors warriors
Game 6 NBA Finals 2019 (photo from Melo Ponciano at Oracle Arena)

BACOLOD CITY – Pinatunayan umano ng Toronto Raptors na may pagkakataon ang ibang teams sa NBA na makakuha ng championship matapos na tinalo ang defending champion na Golden State Warriors sa Game 6 ng kanilang finals series kahapon sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Ngunit sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Atty. Ed Tolentino, maraming tanong sa katatapos lang na NBA Finals.

Isa na rito ang tanong kung ano sana ang nangyari kung hindi na-injure at nakalaro sa buong finals ang Warriors superstar na si Kevin Durant at hindi na dumagdag pa si Klay Thompson kahapon.

Para kay Tolentino, mas magandang bersiyon sana ng finals ang nasaksihan ng fans kung walang injuries ang mga players.

Ngunit nanindigan si Tolentino na hindi rin naman dapat kunin sa Raptors ang kanilang sakripisyo at pagtrabaho ng husto sa kanilang depensa na naging panangga sa defending champion na naghahabol ng three-peat.

ed tolentino
Atty. Ed Tolentino

Binigyang-diin din pa ni Tolentino ang pagkakaroon ng Raptors ng pulidong lider sa katauhan ni Kawhi Leonard na kinilalang finals Most Valuable Player (MVP).

Note: Pls. click above audio record of Atty. Ed Tolentino

Sa ngayon ay maghihintay na lamang si Tolentino sa posibilidad ng muling paghaharap ng dalawang team sa finals ng panibagong season at makabalik si Durant at masagot ang maraming tanong na iniwan nito simula ng magkaraoon siya ng injury.