Tiniyak ni Finance Sec. Ralph Recto na papaigtingin pa ang pagpapatupad ng mga aksiyon laban sa tax evaders bilang suporta sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para palakasin ang pangongolekta ng buwis.
Sa National Tax Campaign Kick-off event ng BIR, siniguro ng Finance chief ang hindi matatawarang suporta ng Department of Finance para sa tax bureau at pagbibigay ng suporta para makamit ang collection target nito na P3.5 trillion.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na patuloy ang pagsasagawa ng bureau ng raids at pagsasampa ng criminal cases laban sa mga offender para labanan ang tax evasion.
Sa pagtaya ng BIR, mawawalan ng pamahalaan ng P500 billion dahil sa tax evasion.
Kayat umaasa ang BIR na boluntaryong tatalima ang mga taxpayer sa pagbabayad ng kanilang obligasyong buwis.