Asahan ng mga konsyumer ang mas mababang retail price ng asukal kasabay ng pagsisimula ng crop year 2023-2024 kaakibat ang mas mababang millgate prices ng asukal.
Ito ang inihayag ni Philippine Sugar Millers Association executive director Jesus Barrera.
Base naman sa data mula sa Sugar Regulatory Administration, ang millgate prices noong nakalipa na crop year ay nasa average na P3,021.04 kada 50-kilogram (LKg) bag noong Sept. 4 at nag-peak sa P3,798.24 noong Oct. 2 ng parehong taon.
Habang nagsara naman ang mill site prices sa P3,000 kada bag noong nakalipas na taon.
Sa kasalukuyang crop season, sa data ng SRA, ang average millsite price ay nasa P2,825.35 kada 50-kilogram (LKg) noong Sept. 10 at bumaba pa sa P2,702.73 noong Sept. 17.
Habang ang presyo ng asukal sa millsite noong Oct. 12 ay nagpapakita na ang farmgate avergae price ay bahagyang mababa sa P2,500 kada LKg kung saan isang mill lamang ang nagbebenta ng P2,700 per bag.
Sa kabuuan, ang millgate prices sa unang 6 na linggo ng kasalukuyang crop year ay mas mababa kumpara noong nakalipas na crop season.