Nakatakda nang ikasal si Mark Herras.

Mismong ang 33-year old actor ang nag-post sa larawan ng mga kamay nila ng newbie actress na si Nicole Donesa kung saan kapansin-pansin ang diamond ring sa daliri ng babae with matching caption patungkol sa “forever.”

“Yes, he’s engaged na,” ang kumpirmasyon umano ng GMA sa pep.

Bago sa 26-year-old wife to be, naging kasintahan ni Herras ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017 na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Si Donesa ay nakasama ni Mark sa isang teleserye.

Pebrero 2019 nang umamin si Winwyn na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Herras at wala namang “third party.”