Desidido ang local government ng Marikina na sampahan ng kasong criminal at civil ang mga responsable sa pagtatapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.

Sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, na seryoso sila sa pagsampa ng kaso.

Isa aniyang paglabag sa Clean Water Act at Code of Sanitation ang nasabing insidente.

Magugunitang umabot na sa 56 na mga patay na baboy ang nakita na itinapon sa Marikina River.