Eumir Marcial
Eumir Marcial

Nagtagumpay si Eumir Marcial laban sa Australian boxer na si Kirra Ruston sa Asia-Oceana Boxing Qualification Tournament para sa 2020 Olympics.

Nakuha ng Pinoy boxer ang 5-0 na shutout sa laban na ginanap sa Amman, Jordan.

Nagpakawala ng magandang combination sa ulo at katawan ang reigning Filipino world championship silver medalist.

Sinabi nito na nakaramdam siya ng pressure bago pa lamang umakyat sa ring subalit desidido ito na makapasok sa Olympics.

Samantala bigo naman si James Palicte sa kamay ng Uzbekistan boxer Elnur Abduraimov sa men’s lightweight Round of 16.

Pinatunayan ng Uzbek boxer na siya ay mas magaling kaya nakuha nito ang unanimous decision win laban kay Palicte.