May mga ginagawa ng hakbang ang Philippine National Police (PNP) para maiwasan na magkaroon ng part 2 Marawi siege.

Ayon kay PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa, kaniyang inatasan si Directorate for Operations police director Camilo Cascolan, na pangunahan ang kasunduan para sa security and defense ng isang siyudad o para mas mapaigting ang kooperasyon nila at ng Local Government Unit sa pagdepensa laban sa mga terorista.

Ang nasabing aktibidad aniya ay unang inilunsad sa Davao City at ire-replicate ito sa iba pang key cities sa bansa.

Una nang sinabi ng PNP chief na lahat ng malalaking siyudad sa Mindanao ay may posibilidad na maging Marawi part 2.

Kaya ngayon pa lamang ay dapat may mga kaukulang hakbang ng susundin ang mga malalaking siyudad.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na aktibo ang PNP at Armed Forces of the Philippines katuwang ang iba pang intelligence agencies ng bansa para hadlangang ang anumang banta mula sa mga teroristang nagbabalak ulitin ang Marawi seige sa iba pang siyudad.