Dumistansya ang pamunuan Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagharang ng Commission on Appointments (CA) kay Judy Taguiwalo para maging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay AFP-Public Affairs Office chief Col. Edgar Arevalo, hindi sila nakikialam sa mga usaping politikal.

Pagtiyak ni Arevalo na hindi maapektuhan ang nakatakdang pag-umpisa ng rehabilitasyon sa Marawi kahit pa maging iba na ang kalihim ng DSWD.

Handa pa rin aniya silang makatrabaho ang kahit sinong opisyal tulad na lamang sa mga panahong nagbabago ang AFP chief.

Dagdag pa ng opisyal na ang DSWD kasama ang AFP ay kabilang sa mga frontline o mangunguna sa rehabilitation sa Marawi.