SC1

Nanguna ang isang Maranao na justice ng Court of Appeals (CA) sa botohan para sa nabakanteng puwesto ni Supreme Court (SC) Associate Justice Jose Reyes Jr na nagretiro noong Mayo 11.

Sa isinagawang en banc session, nanguna sa bototahan si CA Associate Japar Dimaampao na may 11 boto; CA Justice Pablito Perez, 10; ikatlo sina Associate Justices Precy Padilla at Manuel Barrios na may tig-siyam na boto; CA Justice Ricardo Rosario, walong boto at nasa ikalimang puwesto sina CA Justice Ramon Cruz at Court Administrator Midas Marquez na may tig-anim na boto.

Batay naman sa kalakaran na umiiral sa Korte Suprema, ang mga aplikante para bakanteng posisyon sa SC na nakakuha ng mataas na boto mula sa mga mahistrado ay otomatikong ipapadala sa makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC).

Ito ay para maisama ang pangalan sa pagpipilian ng JBC bago ipadala ang shortlist sa Malacang para sa pinal na proseso o ang pagpili ng Pangulog Rodrigo Duterte upang maging susunod na SC associate justice.

Mayroon namang 90 araw ang simula nang mabakante ang posisyon sa SC para ito ay mapunan base na rin sa batas at ang tanging may kapangyarihan para magtalaga ng susunod na mahistrado ay ang pangulo ng bansa.