Maui
Hawaii
-- Advertisements --

Lumikas ang maraming residente ng Maui sa Hawaii dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan.

Dahil na rin sa sama ng panahon ay nasira ang dam kung saan nawasak ang maraming mga kabahayan.

Agad naman iniligtas ng Maui Fire Department ang mga residente na na-trap sa kanilang mga bahay.

Naghatid naman ng tulong si Hawaii Governor David Ige sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.