Baseco
Baseco Compound/ Manila Information office

Nasa 600 pamilya ang nawalan ng tirahan tupukin ng apoy ang kanilang kabahayan sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Umabot pa sa task force Bravo ang sunog na nagsimula pasado alas onse ng gabi ng Martes.

-- Advertisement --

Umabot pa sa mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ito ng mga rumespondeng bumbero.

Napasugod pa sa lugar si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa nakikipag-agawan ang mga residente ng mga hose mula sa mga bumbero.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.