Reading Time: 1 minute
australia shooting
Source: Twitter

Nag-iwan umano ng maraming mga biktima ang nangyaring shooting incident sa lungsod ng Melbourne, Australia.

Sa isang pahayag, sinabi ng Victoria Police na naganap ang pamamaril sa labas ng isang nightclub sa Prahran district dakong alas-3:20 ng umaga (local time).

Hindi naman ito nagbigay pa ng karagdagang detalye ukol sa kondisyon ng mga biktima.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga imbestigador ang nangyari at pinayuhan ang publiko na umiwas muna sa area.

“The exact circumstances are still being established,” wika ng pulisya.

Bihira ang mass shooting sa Australia, na nagpapatupad ng mahigpit na gun laws buhat nang mapatay ang 35 katao sa Tasmania noong 1996. (AFP)