-- Advertisements --

Kasalukuyang nakakaranas din ng pagkawala ng supply ng kuryente ang lungsod ng Malabon tulad sa maraming lugar sa sa Metro Manila dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Roderick Tongol, head ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office, maraming kawad ng kuryente ang nabagsakan ng mga puno dahil sa lakas ng hangin at ulan kung kaya’t 80 percent sa mga bahay ay walang kuryente.

Sinabi rin nito na nasa 147 pamilya mula sa mga barangay ng Dampalit, Panghulo at Tonsuya ang inilikas at dinala sa mga evacuation centers.

Sila ay mga informal settlers na nakatira sa mga bahay na gawa sa light materials o nakatira sa mga mabababang lugar kaya dinala muna sa mga paaralan o mga covered court.

Kasalukuyan din naka-deploy na ang mga rescuers at rescue equipment sa Brgy. Potrero at Bayan Bayanan kung sakaling kailanganing ilikas ang mga residente doon dahil ang mga nasabing barangay ay mga low-lying areas.