Tiniyak ng Magsaysay Shipping Inc. ang manpower agency ng mga seafarer ng Diamond Princess Cruise Ship, na sila ay makikipag-ugnayan sa health ministry ng Japan.

Ito ay matapos na kabilang ang isang Filipino na crew member ng cruise ship ang nagpositibo sa novel coronavirus habang naka-daong ang nabanggit na cruise ship.

Ayon sa Magsaysay Inc. na ang mga crew ay nasa pagamutan sa Yokohama, Japan at sila ay sumasailalim sa testing, treatment at quarantine.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa Tokyo sa mga otoridad ng Japan dahil mayroong 538 na Filipino ang lullan ng nabanggit na cruise ship.

Magugunitang nagpositibo ang 10 pasahero ng nasabing cruise ship ng dumaong ito sa Japan kaya inilagay ang mga ito sa 14-day quarantine period.

-- Advertisement --