IMG20190613141238

Ipinag-utos ngayon ng Metropolitan Trial Court (MTC) sa National Bureau of Investigation (NBI) na palayain na ang isa sa may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Dr. Bryan Sy.

Sa release order na inilabas ng MTC Branch 6, matapos umanong magbayad ng piyansa na P72,000 ay kailangan na silang palayain.

Maalalang si Sy at iba pang opisyal ng WellMed ay kinasuhan ng estafa sa pamamagitan ng falsification of officials documents matapos pekehin ang pirma ng mga pasyenteng namatay na o hindi nag-e-exist.

Sangkot din dito ang dating WellMed Asst. Branch Manager Edwin Roberto at PhilHealth officer Liezel Santos.

Edwin Roberto at Liezel Santos

Una rito, inamin ni Santos na siya mismo ang namemeke sa pirma ng mga ghost patients pero dahil na rin sa Direktiba ni Sy.