-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang isang mangingisda sa lalawigan ng Iloilo matapos na tumaob ang kanyang sinasakyang bangka sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Jolina.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Jerry Bionat, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kinilala nito ang biktima na si Nieto Casabuena, 48-anyos, mangingisda at residente ng Lawis, Balasan, Iloilo.
Ayon kay Bionat, pumalaot ang biktima at posibleng hinampas ng malalaking alon ang bangka nito dahilan para tumaob ito sa dagat.
Magugunita na kahapon ay isinailalim sa tropical cyclone wind signal No. 1 ang ilang bayan sa Iloilo.