PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP chief

Napapanahon na umano para maisailalim sa military training ang mga kabataan sa ilalim ng Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Reaksiyon ito ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ROTC bill na nakabinbin pa rin sa Senado.

Aminado si Albayalde, bagama’t maraming tutol sa usapin pero ang katotohanan ay may mga bantang hinaharap ang bansa at kinakailangan ng dagdag puwersa para matugunan ito.

Binigyang-diin ni Albayalde na dapat bantayan ang lahat ng uri ng pang-aabuso at kurapsyon sa ROTC.

Una rito, inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory ROTC sa mga mag-aaral sa Grades 11 at 12 subalit hindi ito binigyang pansin sa mataas na kapulungan ng kongreso.