Davao metro Shuttle1

BUTUAN CITY – Humingi ng dispensa sa publiko ang management ng Davao Metro Shuttle lalo na sa mga biktima sa pagkahulog ng isa nilang bus unit sa bangin ng Brgy. De Oro sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Gretchen Ramitan, Human Resource (HR) at Admin manager ng nasabing bus company, matapos ang insidente ay tinututukan na ng kanilang first response team ang lugar na pinangyarihan pati na ang mga ospital na dinalhan ng mga sugatang pasahero.

Davao metro shuttle 2

Ikinagalak ng kompanya na walang pasaherong may fatal injury sabay pahayag na kasama sa kanilang tinututukan ay ang gastos sa pagpapa-ospital at sa follow-up check-up ng mga sugatan.

Nilinaw din nito na pasok pa sa speed limit ang pagpapatakbo ng driver na si Merlou Cutara sa kanyang unit, base na rin sa kanilang pagsuri sa ikinabit nitong GPS device.