Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang mamamahayag sa pamamaril sa Kidapawan City dakong alas 10:30 Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Eduardo”Ed”Dizon, anchorman ng Brigada News FM Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng pulisya,sakay ng kanyang kotse ang biktima papauwi na ng kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Kidapawan.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Kinondena naman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP-Kidapawan Chapter) ang pamamaril patay kay Dizon.

Sa ngayon ay maraming anggulo na sinusundan ang pulisya sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.