Pinulong ngayong araw ng PNP Joint Task Force Covid Shield ang mga mall security managers sa Metro Manila.
Pinangunahan ni JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pulong kasama si PNP Director for Operations M/Gen. Emmanuel Licup, NCRPO Director M/Gen. Debold Sinas at SOSIA Chief B/Gen. Michael John Dubria.
Isinasagawa ang pagpupulong sa Crime Laboratory sa Camp Crame.
Nanawagan ng kooperasyon ang PNP sa mga mall owners na ipatupad ang minimum health standard sa kanilang muling pagbubukas sa ilalim ng Modified Enchanced Community Quarantine (MECQ).
Nasa mahigit 90 mall security managers at mga pulis sa Metro Manila ang dumalo sa pulong.
Pinatitiyak ni Eleazar mayroong physical distancing sa mga mall nang sa gayon ay hindi sila maharap sa reklamo at maipasara kagaya ng nangyari sa Cavite.
Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang mga sumusunod:
-pagtanggal ng libreng Wi-Fi at paglimita sa temperature ng airconditioning sa mall para maiwasan ang tambay
-paglalagay ng mga signage at advisory kung anong section lang ng mall ang bukas
-paggamit ng quarantine pass sa pagpasok ng mall para magiging per city na lang ang pagpasok
-one person per two square meters rule
-one entry at one exit para mabilang ang mga tao na pumapasok at lumalabas sa mall
-drop off point na malapit sa entrance at paglalagay ng pick up point malapit sa exit
-pag-check sa parking area
Magugunita na dinagsa ang mga mall nitong Sabado sa unang araw ng MECQ at maraming naiulat na paglabag lalo na sa social distancing.
Inaasahan na magpapatupad ng adjustment sa mga mall pagkatapos ng pulong.