-- Advertisements --

Muli nanamang inakusahan ng China ang Pilipinas na iligal umanong pumasok sa pinagaagawang Ayungin shoal na inaangkin ng China na bahagi ng kanilang teritoryo.

Base sa claim ng Beijing, iligal na pumasok umano ang isang maliit na civilian vessel ng Pilipinas sa may Ayungin sa West PH Sea.

Ayon sa China Coast Guard, pumasok ang isang barko sa may Spratly islands nitong Biyernes para sa isang resupply mission.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na komento ang panig ng Pilipinas kaugnay sa panibagong claim ng China.

Subalit nauna ng nanindigan ang AFP na hindi kailangan ng PH na magpaalam pa sa China sa tuwing magsasagawa ng resupply mission sa mga tropa ng Pilipinas na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre dahil ito ay nasa loob ng exclusive economic zone ng ating bansa base sa 2016 Arbitral ruling.

Matatandaan na una ng isinadsad ng PH ang World War II ship na BRP Sierra Madre mula noong 1999 na nagsisilbing military outpost ng bansa sa may Ayungin shoal sa WPS na minamanduhan ng mga tropang sundalo ng Pilipinas.

Una na ring itinanggi ng PH ang claim ng China na nangako umano ang PH na tanggalin ang naturang warship mula sa Ayungin shoal.