-- Advertisements --
IMG 16d7517dcbc7d9740177d4f7a7e14d24 V

Dahil na rin sa patuloy na paglobo ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR), muling naglabas ang Supreme Court (SC) ng guidelines para sa mga korte at court personnel sa Metro Manila.

Sa Office of the Court Administrator (OCA) circular na pirmado ni Court Administrator Jose Midas Marquez, lahat ng mga ng mga korte na nasa NCR maliban sa Korte Suprema ay mananatiling physically closed sa mga court users simula bukas hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.

Ito ay bilang pagtalima sa panukalang granular o localized lockdown na mag-uumpisa ang pilot-testing bukas.

Sa granular lockdown, nasa Alert Level 4 ang Metro Manila malibansa City of Manila.

Sa kabila nito, inatasan naman ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo na tuloy pa rin naman ang operasyon ng online at pagsasagawa ng videoconferencing hearings sa mga nakabinbing kaso sa korte.

IMG b861dd0488fccda7f010dd54bff32fa5 V

Ang naturang mga korte ay puwede naman daw ma-contact sa pamamagitan ng kanilang hotlines at email addresses na naka-post sa SC website.

Suspendido naman ngayong perios ang filing at service ng pleadings at mosyon at maipagpapatuloy makalipas ang pitong araw kapag mayroon nang physical reopening ng ilang mga korte.

Kailangan namang panatilihin ang mga essential judicial offices ang tinatawag na skeleton staff para matugunan ang lahat ng urgent matters at concerns.