Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Isasagawa ang malawakang clean-up drive sa lungsod ng Baguio ngayong buwan.

Hiniling ni Benjamin Macadangdang, executive assistant to the mayor on barangay affairs ng Baguio ang pakikiisa ng publiko sa naturang aktibidad.

Aniya, wala pang napag-usapang eksaktong petsa para sa citywide clean-up drive pero posibleng isasagawa ito sa Hulyo 27.

Sinabi niya na maaaring makiisa sa clean-up drive ang mga miyembro ng iba’t-ibang organisasyon o grupo, mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan, mga senior citizens, mga boluntaryo at iba pa.

Iginiit ni Macadangdang na mahalaga ang clean-up drive para lalo pang mapaganda ang Baguio City na kilala din sa tawag na City of Pines at Summer Capital of the Philippines.