doj GUEVARRA
doj GUEVARRA

Papasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring pagsabog sa Maguindanao at Cotabato kahapon.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa pamamagitan ng kanyang undersecretary ay agad niyang ipag-uutos sa NBI na magsagawa na rin ng malalimang imbestigasyon sa naturang insidente.

Bagamat naka-leave ang justice secretary, inatasan na niya si Department of Justice (DoJ) Usec. Adrian F. Sugay na mag-isyu ng department order na nagbibigay direktiba sa NBI na magsagawa ng case build up sa kaso.

Pero ayon sa kalihim, mayroon nang isinasagawang inisyal na imbestigasyon ang mga field operatives ng NBI sa Cotabato at Maguindanao at kasama na rito ang pangangalap ng mga ebidensiya.

Sa inisyal na imbestigasyon, 22 ang sugatan sa pagsabog kabilang na ang siyam na sundalo sa Sinsuat Avenue sa Cotabato at Maguindanao kagabi.