DMMMH
-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sinertipikahan na ng Department of Health o DOH ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa lungsod ng Batac bilang COVID-19 Xpert Xpress SARS-COV 2 testing laboratory.

Dahil sa nasabing sertipikasyon ay maaari nang magsagawa ng COVID-testing ang naturang ospital.

Kung maalala ay sinimulan ng lalawigan ng Ilocos Norte ang strategic at targeted testing sa mga frontliners patikular ang mga medical workers at mga persons under quarantine sa pamamagitan ng rapid test.

Samantala, hanggang ngayon ay walang nairerkord na kaso ng COVID-19 dito sa Ilocos Norte simula ng naitala ang dalawang kumpirmadong kaso n coronavirus noong Marso 31 pero gumaling mula sa naturang virus.