BITAK 2
Bitak

CENTRAL MINDANAO- Pangamba at takot ngayon ang naramdaman ng mga residente ng Brgy Dungguan Datu Montawal Maguindanao.

Ang malaking bitak sa lupa sa gilid ng Pulangi River ay dulot nang malakas nang malakas na lindol.

Paggumuho ang mahaba at malalim na bitak ay posibling magdulot ito na pagbaha.

Kinumpirma din ni Mayor Datu Otho Montawal na umaabot sa 55 bahay ang sinira ng lindol na una na nilang nabigyan ng tulong.

Naglaan rin sila ng 150,000.00 libong pesos na binili ng bigas,tubig,noodles, delata at iba pa na agad pinamahagi sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Makilala Cotabato at Kidapawan City.

Tinuturing na kaibigan at ka-alyado ng Taga Datu Montawal ang probinsya ng Cotabato kung saan katabi lamang nila ito.

Una ng nagpasalamat si Cotabato Acting Governor Emmylou”Lala”Mendoza sa tulong ng Maguindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.