-- Advertisements --

Todo ngayon ang panawagan ng Malacañang sa publiko na bilhin lamang ang kanilang pangangailangan at huwang mag-panic buy kasunod na rin ng pangamba na magkakaroon ng lockdown ang ilang lugar dito sa bansa dahil sa naitalang coronavirus infections.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, magreresulta daw kasi ang panic buying sa hoarding o pag-ipit sa mga supply at sasamantalahin din ng mga negosyanteng taasan ang presyo ng mga bilihin.

Tiniyak din umano ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong sapat sa supply ng mga panindang kailangan ngayon para sa maiwasang magkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) gaya ng alcohol at face mask.

Dagdag ni Panelo, dapat daw unahing mabigyan ng medical attention at managemet ang mga kababayang may close contacts sa mga taong may COVID-19.