Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang nitong araw kay Vice President Leni Robredo matapos na pumanaw na ang nanay nitong si Salvacion Gernona kagabi.

Ayon kay Panelo, kilala si Gerno sa pagiging isang “selfless and dedicated” na guro.

-- Advertisement --

“We wish to extend our heartfelt condolences to Vice President Ma. Leonor ‘Leni’ Robredo for the passing of her beloved mother, Ms. Salvacion Gerona,” ani presidential spokesperson Salvador Panelo.

“In this time of bereft, we also offer our thoughts and sympathy to the family, relatives and friends of Ms. Gerona,” dagdag pa nito.

Si Gerona ay guro sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga, isa sa pinakalumang paaralan sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni Robredo na ang burol ng kanyang namayapang mahal na ina ay magsisimula mamayang alas-4:00 ng hapon.