Naniniwala si House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe na masyadong maaga at walang pangangailangan para magbitiw sa pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Ginawa ni Dalipe ang pahayag sa harap ng mga panawagan na bumaba na sa pwesto si Remulla matapos maaresto ang anak nito dahil sa ilegal na droga.
Aayon kay Dalipe, kung magbibitiw si Remulla ay magugulo lang ang kaso ng 38-anyos na anak nito.
Binigyang diin ni Dalipe, hangga’t nananatili ang tiwala sa kanya ng Pangulo at nakikitang patuloy niyang nagagampanan ang trabaho bilang miyembro ng gabinete ay walang dahilan para siya ay magbitiw sa pwesto.
” This call for SOJ Remulla’s resignation is premature and unnecessary. It will only muddle the case of his son who is already a consenting adult. The SOJ holds a position of trust and as long as the president trusts him and sees him as an effective member of the cabinet, I see no reason for him to resign,” pahayag ni Dalipe.