-- Advertisements --

Nakatakdang iianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas ng gabi ang mga major changes o malaking pagbabago umano sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, aasahan daw ng publiko na hindi na magiging gaya ng dati at kasalukuyan ang mga gagawing paraan o diskarte sa paglaban sa pandemic.

Ayon kay Sec. Roque, hindi masyado sa isyu ng classification ng mga quarantine protocols gaya ng enhanced community quarantine (ECQ), general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) ang iaanunsyo ni Pangulong Duterte, bagkus may kinalaman ito sa pagtugon gaya sa testing, isolation, contact tracing at treatment.

Samantala, inihayag ni Sec. Roque na inaaral pa ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga apela ng mga local government units (LGUs) sa rekomendasyong quarantine classifications at isasapinal bukas, araw ng Huwebes at aaprubahan ni Pangulong Duterte na siyang mag-aanunsyo.

“Obviously, I can’t announce it because it is the President who will announce it on Thursday night, if I’m not mistaken. There are still appeals to be made by the local government unit chiefs so the recommendations are all preliminary and subject to finalization on Thursday,” ani Sec. Roque.