LEGAZPI CITY – Nai-turnover na ng Ligao City Police Station sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang itinuturong main gunman sa pamamaril-patay kan Party-list Cong. Rodel Batocabe at police escort nito.

Una nang sumuko sa militar sa Sorsogon ang dating CAFGU member na si Henry Yuson subalit inaresto ng Ligao City PNP dahil sa warrant of arrest sa kasong rape at child abuse.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt./Col. El Cid Roldan, hepe ng Ligao City PNP, isyung pang seguridad ang isinaalang-alang sa naturang hakbang.

Nakipag-ugnayan na rin si Roldan kay Judge Ignacio Barcellano ng Regional Trial Court (RTC) Branch 13 ng Ligao City para sa transfer ng akusado.

Pormal nang inilipat si Yuson matapos matanggap ang warrant of arrest para sa double slay case laban sa mambabatas at kay SPO2 Orlando Diaz.

Nahaharap na rin ito ngayon sa attempted murder at murder.