Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga nagsasabong sa gitna ng umiiral na community quarantine measures.

Sinabi ni PNP spokesperson BGen. Bernard Banak na paparusahan ang sinumang lalabag dito.

Ginawa ni Banac ang naturang pahayag matapos na maaresto ang isang retired general at iba pang kawani ng pulisya sa isang rait sa Batangas City kahapon, Hunyo 20.

Base sa inisyal na ulat mula sa pulisya, nasa 50 katao ang nagsasabong sa area pero tanging 25 katao lamang ang naaresto.