Nakaburol ngayon sa Arlington chapels sa Araneta Avenue sa lungsod ng Quezon ang labi ng dating mahistrado ng Supreme Court (SC) na sumulat ng desisyon para pagtibayin ang constitionality ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ay noong oktubre taong 2000.

Si retired SC Associate Justice Arturo Buena ay sumakabilang buhay sa edad na 87.

Ang VFA ay kinikwestiyon na rin noon sa Korte Suprema buhat ng maging epktibo ang kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, Mayo taong 1999.

Si Buena ay naging mahistrado ng SC noong January 5, 1999 at nagretiro noong March 25, 2002.

-- Advertisement --

Ang retiradong mahistrado ay ika-143 associate justice ng Korte Suprema.

Aabot sa 200 mga mahahalagang desisyon ang kanyang nasulat.