Inaasahan ang mainit na paghimay bukas sa P4.5 trillion proposed 2021 national budget sa Senado.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, dahil bukas na rin target na tapusin ang pagtalakay nila sa pambansang pondo.

Ayon kay Lacson, igigiit niyang alisin mahigit na P60 billion mula sa ilang multi-purpose buildings ng Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pa.

Para sa mambabatas, mas mahalagang mailaan na lang ang kakaltasing halaga papunta sa mga programang makakatulong sa mga nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad.