-- Advertisements --
Bureau of Customs1 1223

Matagumpay na nabisto ng mga awtoridad ang mahigit P25M na hahalaga ng Methamphetamine o Shabu mula sa isang Malaysian passenger sa Ninoy Aquino International Airport

Ito ay sa pagtutulungan ng BOC- NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Ang naturang Malaysian Traveler ay sakay ng isang Ethiopian Airlines Flight ET 644.

Sala nito ang isang bagahe na umano’y naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.

Matapos ang masusing pagsusuri, kabilang na ang isinagawang x-ray at physical examination, nadiskubre nila ang aabot sa 3,722 kilogram ng Methamphetamine na itinago sa kanyang luggage lining.

Ito ay tinatayang may street value na Php25,308,600.00 batay na rin sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, mahaharap ang pasahero sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drug Act, at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Kung maalala, noong nakaraang buwan ay naaresto rin ang mag-inang Singaporean national at nakuha sa kanila ang Php76.1M halaga ng Cocaine mula Doha , Qatar.