-- Advertisements --

Mahigit 60 katao patay, 34 sugatan bunsod ng malamig na temperatura dala ng ulan at snow storm sa ilang bahagi ng Afghanistan

Loops: cold weather, snow storm, heavy rains sa Afghanistan, Spokesman of the Natural Disaster Management Ministry Janan Saiq, Spokesman for the Public Works Ministry Ashraf Haqshenas

Hindi bababa sa 60 katao ang patay habang 34 naman ang sugatan sa ilang bahagi ng Afghanistan.

Ito ay dulot ng malamig na temperatura na may kasamang malakas na pag-ulan at snow storm.

Ayon sa Spokesman of the Natural Disaster Management Ministry Janan Saiq, bukod dito ay umabot na rin sa 1,600 na mga tirahan ang nawasak sa loob ng lagpas tatlong linggong delubyo.

Bukod pa rito, inanunsyo naman ni Spokesman for the Public Works Ministry Ashraf Haqshenas na isinira din ang ilang daan sa nasabing bansa dahil sa malakas na pagbagsak ng mga niyebe rito.

Ilan sa mga ito ay ang probinsiya ng Bamiyan, Ghor, Sar-e Pol, Nuristan at Farah sa Afghanistan.