-- Advertisements --

Mahigit kalahating milyong botante o kabuuan 507,317 na ang nagpatala sa nagpapatuloy na voter registration para sa 2025 midterm elections ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Pinakamataas na bilang ng mga aplikante ay sa Calabarzon na nasa 95,741, sinundan ito ng National Capital Region na mayroong 72,400 aplikante.

Ang Central Luzon at Central Visayas followed ay mayroong 54,536 at 41,431 applicants.

Sa Davao Region mayroong 29, 513 applicants at sa Northern Mindanao ay nasa 24,251.

Pinakamababa naman sa bilang ng mga aplikante ay sa Cordillera Administrative Region na nasa 5,637 applicants.

Una ng sinabi ng poll body na inaasahang makakapagtala ng 3 million ang magpaparehistrong botante.

Matatandaan na nagsimula ang voter registration period para sa 2025 local at national elections noong Pebrero 12 at magtatagal hanggang Setyembre 30.