-- Advertisements --
cropped Pinoy cellphone 2

Nakatanggap pa rin ng kabuuang 45,697 reklamo sa text scam ang National Telecommunications Commission (NTC) sa kabila pa ng mandatroyong SIM registration.

Sa pagdinig sa Senate Committee on Public Services, inamin ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez na sa unang bahagi ng SIM registration napansin ang pagbaba sa kanilang natatanggap na reklamo kaugnay sa text scams subalit sa mga sumunod na buwan napansin ang muling pagtaas ng napapaulat na scams.

Dito, nakakatanggap ng text scams ang mga biktima o di naman kaya ay nagpapasa ng pera sa scammers.

Kaugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ang technical working group na siyang bumalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa SIM registration noong August 29 kung saan tinalakay ang post-registration validation mechanism.

Ito ay upang matanggal ang nairehistrong Sim na gumamit ng pekeng IDs at pagkakakilanlan.