-- Advertisements --
image 392

Tinanggal ang nasa kabuuang 25,440 records mula sa listahan ng mga rehistradong botante dahil sa doble o multiple registration at iba pang kadahilanan ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang nasa 12,987 ng records nito ay nadiskubre na mayroong dalawa o mahigit pa na fingerprints ng mga botante base sa Automated Fingerprint Identification System.

Habang ang nasa 12,275 naman ay mga botante na lumipat na sa ibang lungsod o bayan habang ang nasa halos 170 naman ay mga botante na namatay na iniulat o kinumpirma ng local civil registrants.

Nasa 9 naman ng tinanggal sa records ang nadiskubreng mayroong doble o multiple records sa local level at dalawa ang nabigong makaboto sa ikalawang sunod na regular elections.

Una ng iniulat ng komisyon na halos 120,000 botante ang maaaring maharap sa election offenses kapag mapatunayan na sinadya ang multiple registration.