CAUAYAN CITY – Naitala sa Isabela ang 21 panibagong kaso ng COVID-19 habang10 naman ang nakarekober.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 20 sa bagong kaso ang mula sa Santiago City habang isa sa Ilagan City.

Sa ngayon ay 241 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng 4 na Returning Overseas Filipinos, 4 na non-authorized persons outside residence, 27 health worker, 4 na pulis habang 213 ang local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.