TACLOBAN CITY – Mahigit 20 mga goons ang naaresto ng mga kasundaluhan sa Barangay Rizal, Kananga, Leyte.

Ayon kay Lt. Col. Roberto Beatisula, commanding officer ng 93rd Infantry Brigade, bandang alas-2:00 ng umaga ng makita ang naturang mga goons habang nagsasagawa ang mga ito ng pagpapatrolya sa mga bara-barangay sa naturang bayan.

Naaktuhan mismo ng mga kasundaluhan ang naturang mga armadong mga kalakakihan na gumagala sa naturang barangay.

Ilan sa mga ito naman ang nakatakas matapos na makatunog sa mga tropa.

Nakumpiska sa mga ito ang dalawang .45 na pistola, siyam na sasakyan, at iba pang mga bladed weapons.

Pinaniniwalaan naman na supporter ng mga politiko sa bahagi ng 4th district ng Leyte at Ormoc ang nakitang mga armadong kalalakihan.