Natulungan ng Department of Foreign Affairs ang mahigit isandaang distressed Filipinos na mapauwi dito sa Pilipinas mula sa Kuwait.
Batay sa datus ng DFA, kabuuang 108 pinoys na kinabibilangan ng dalawang menor de edad ang grupong natulungan.
Karamihan umano sa kanila ay mga undocumented workers, natanggal sa trabaho, at walang anumang mga gamit na nanunuluyan lamang sa shelter ng embahada.
Sinagot naman ng Assistance-to-Nationals (ATN) Fund ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) ang pamasahe ng mga nasabing pinoy, pabalik dito sa Pilipinas.
Batay sa datus ng DFA, umabot na sa 5,940 na mga distressed Filipinos ang napauwi nito, sa pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers, kasama na ang mga recruitment agencies, mula sa ibat ibang bansa.